navigation
  • I still miss you. It sucks.

  • Dear Cy,

    Ilang oras ka na namang tulala at ayaw bumangon. Hindi ka kasing-lungkot ng kahapon pero hindi ka rin masaya. Maiisip mo kung totoo bang may karma. Kasi kahit anong maling ginagawa sayo, parang masaya parin sila habang ikaw patuloy na nasasaktan.

    Siguro nga hindi totoo ang karma.

    Karma is only real if you believe it. You give power to it by believing or fearing it.

    Baka ganon nga ata talaga. Nakadepende sa tao kung kakarmahin sila. Kasi kung hindi sila naniniwala sa karma, hindi sila para karmahin. Lalo na kung jinajustify nila yung bad actions nila. And the only way you can get pass through this is to accept that.

  • Dear Cy,

    Kamusta ka? Alam kong malungkot ka ngayon. Tumatawa-tawa ka lang pero deep inside gusto mo na namang subukan tapusin ang lahat. Ang hirap din kasi ng pinagdaanan mo.

    Sinubukan mong pagsabayin ang work at review. Nung nakapagleave ka naman, inatake ka na ng anxiety mo at iniwan ka pa sa ere ng taong kasama mong magplano para sa pagtake ulit ng exam. Siya yung naging source ng mga ngiti mo nung nakaraang taon. Siya yung nagpapakalma sayo. Nangako siya sayong hindi ka niya sasaktan at iiwan sa ere. Sinabi mo sakanya lahat ng trauma at takot mo. Pero sa huli, binigo ka parin niya. Iniwan ka bigla dalawang linggo bago ang exam at isang linggo bago ang birthday mo.

    Alam ko na grabe yung trauma mo sa ganyang situation. Hindi kasi ito ang unang iwan ka ng malapit sa birthday mo at may exam kang kailangan paghandaan.

    Alam mo, nung ghinost ka niya nung September, hindi ka na dapat sumubok ibalik yung dati. Mas masasaktan ka kasi sa mga darating na linggo kasi susubok ka pa ulit ibalik yung dati. Pero wala na, nagbago na talaga siya ng pakikitungo sayo. Maiisip mo na may iba na siya at bago nang kausap kaya siya biglang ganon, pero hindi mo yun papaniwalaan kahit yun ang nararamdaman mo.

    Pinaka magiging masakit sayo yung araw na ibabalik niya yung hiniram niya sayo. Ni-hindi niya magagawang ibalik sayo ng personal yun. Mag-aaway kayo saglit, aakalain mo na maayos pa, hindi mo alam, yun na pala huling pag-uusap niyo. Maniniwala ka pa na magmemessage siya ulit kapag naayos na niya sarili niya, pero lilipas ang ilang araw, linggo at buwan, pero wala. Maghihintay ka sa wala. Araw-araw mong iiyakan yan. Araw-araw kang masasaktan.

    Pagdating ng December, masasaktan ka ulit dahil hindi ka na naman umabot. Kailangan mo na namang pagdaanan lahat next year.

    Alam ko nakakapagod na. Ang sarap nang tumigil sa puntong ‘to. Parang wala nang patutunguhan yung buhay mo kasi nastuck ka na sa loop na 'to.

    Pero wag kang susuko. Magiging maayos ang lahat. Ang daming nagmamahal sayo. May mga kaibigan kang handa kang puntahan anytime kapag wala ka nang ibang ginawa kundi magmukmok sa kwarto. May mga kaibigan kang makakasamang uminom kahit weekday. May mga taong magrereach out sayo na walang ibang ipaparamdam kundi pag-intindi. May mga strangers ka rin na makikilala na parang mas nakakaintindi pa sayo kaysa sa mga matagal mo nang kaibigan.

    Hindi sila sumusuko sayo, kaya wag ka rin susuko. Wag ka nang babalik sa dark place. Sayang naman, hindi ka pa nagiging masaya.

    Wag ka nang umiyak dyan. Malalate ka na. May pupuntahan ka pang inuman.

  • “It’s both a blessing and a curse to feel everything so very deeply.”

    David Jones

  • Last Message

  • image


    I feel like you don’t have plans naman na of ever getting back to me or talking to me. Cos if you cared even just a bit, you would have messaged kahit kaunti. I’m not even sure if you’ll receive this kasi feeling ko nakablock naman na ko. But, I’ll take my chance before I leave everything behind nalang.

    Sana hindi mo na sinabi na we’ll talk properly pa, na need mo lang i-collect self mo para hindi lumala yung situation.

    Nakakausap ka naman daw ng iba eh. Now, I don’t know if you just used your anxiety to ghost or leave. If there’s someone else, sana sinabi mo nalang.

    Remember when you said na ayaw mo naiiwan sa ere? Sana naisip mo yun.

    I don’t like hating people. But whatever you decided to do to me was so cruel. You left me hanging. Even when I told you na isa sa biggest trauma ko yun ever. You even assured me na you will never do that and yet ginawa mo parin.

    You didn’t just left me hanging on a random day. You did it, two weeks before the bar and a week before my birthday. You made me feel so bad for asking for some nice treatment during the exam and the weeks after that. Feeling ko sobrang laki ng kasalanan ko just because I can’t be as chill as before. I was going through something myself but I had to consider your feelings too. Imagine that.

    And when you said na we’ll talk para maayos at hindi na mas lumala, I believed you. AGAIN. Not knowing na it will never happen. You have no idea how frustrating it is to wait every week kung magpaparamdam ka kahit kaunti. Hindi ko sure if I should be concerned kasi sabi mo nagkaka-episodes ka, but you seem okay. Or, if I should be mad because it’s been so long.

    Idk what I did to you to deserve this. I regret trusting you. I regret letting you in my life. I regret opening up to you. I should have never believed in anything you said before. Lalo na yung, “hindi ka para mangiwan sa ere kasi alam mo yung feeling non.”

    Wala akong maisip na ginawa kong mali sayo. Nagtampo lang ako na hindi mo ko magawang i-support during the time na I needed it the most. You know how traumatic the bar exam season was for me. Na lahat ng attempts and episodes ko before came after and was because of that exam. I thought you knew the feeling to struggle alone, to feel everything alone. Kaya I never thought you’d do this to me.

    Ang dami mong pwedeng paglaruan, bakit ako pa napili mo.

  • image

    Probably the best thing I’ve heard so faaaar

  • Pagod na ko umiyak oh my gahd

  • “sometimes what you need isn’t the same as what you want”

    Unknown

  • “Why am I so afraid to lose you, when you aren’t even mine.”

    Unknown

  • “Never push a loyal person to the point where they no longer care.”

    Unknown

  • image
  • “Sometimes letting go is the only way to find out who you’re meant to hold on to.”

    J. Sterling, The Perfect Game

  • “The loneliest moment in someone’s life is when they are watching their whole life fall apart, and all they can do is stare blankly.”

    F.Scott Fitzgerald

  • It still hurts… I wish my heart stop hurting. I wish I’ll stop feeling anything.

  • 1 2 3 4 5
    &. lilac theme by seyche